Woodworking Safety Tips

Ang woodworking ay isa sa mga exciting na libangan na maaari mong gawin, ngunit kaakibat nito, maaari rin itong maging mapanganib kung hindi maalam sa mga woodworking safety tips.

Para sa ligtas na pagtatrabaho, sundin lamang ang ilan sa mga woodworking safety tips na ito!

  • Mag-suot ng mga safety gears tulad ng safety glasses at goggles.

Ang mga router, table saw, at iba pang power tools ay maaaring mag-emit ng wood dust o wood chips at kung ang alinman sa mga ito ay lumipad sa iyong mukha, maaari itong maka-puwing sa mata. 

  • Mag-suot ng naaangkop na damit

Iwasan ang maluwag na damit at mga mahahabang accessories dahil maaari itong magbuhol-buhol sa talim ng lagari o ng table saw. Magsuot ng mga damit na mag-poprotekta sa iyong katawan mula sa mga lumilipad na wood chips.

  • Tanggalin sa saksak ang mga power tools bago magpalit ng blade

Sa tuwing kailangang magpalit ng blade o bit ng isang power tool, palaging alisin ito sa saksak bago pa man simulan ang pagpapalit ng blade.

  • Gumamit lamang ng matatalim na blade o bits

Bukod sa mas maganda ang resulta iyong pag-cut ng kahoy, ang pag gamit ng matalim na blade sa woodworking ay may higit pang pakinabang sa kaligtasan. Kung ang iyong mga blade at bits ay mapurol, mas mahihirapang gumana ng tama ang iyong mga power tools na maaaring mag-cause ng kickback o bind.

Palagi lang gawin ang mga safety tips na ito para sa mas ligtas at masaya ang inyong woodworking projects!

 

Share this Blog

Click outside to hide the comparison bar
Compare