Bakit mahalaga ang pagpapatuyo ng kahoy?

DSC09985 min

Ito ang mga dahilan kung bakit mahalagang magpa-tuyo ng kahoy.

Una, para hindi lumiit o mag-shrink ang kahoy. Ang kahoy ay lumiliit once nawala ang moisture content. Kaya ang advantage kapag pinatuyo ng tama, mas accurate na ang laki o size ng kahoy. 

Kapag tama ang moisture content, mas siguradong hindi rin ‘to rurupok.

Pangalawa, kapag tuyo ang kahoy, hindi ito pamamahayan ng mga wood borers o insekto.

Pangatlo, kapag maayos ang pagkakatuyo ng kahoy, nagiging mas matibay ito at tumataas ang strength properties. Mas madali din itong kapitan ng mga glue, pako, at mga screws.

At ang pang-apat, dapat tama ang moisture content ng kahoy kung gusto niyong i-treat at lagyan ng mga preservatives para mas lalong tumagal ang buhay ng kahoy.

‘Yan ay ilan lamang sa mga main benefits o importance ng pagpapatuyo sa kahoy.

Alam niyo ba ang tamang moisture content ng kahoy?

Screen Shot 2023 11 14 at 12.11.00 PM min

Ang percentage ng moisture content ng kahoy ay dapat nasa 12 to 18%. Ito ang ideal percentage para sa mga kahoy na ginagamit sa indoor at outdoor application. 

Kapag masyado kasing tuyo ang kahoy, maaari ito agad rumupok at mabulok.

Pero bakit dapat may moisture content pa rin ang kahoy?

Kapag kasi kulang naman ang moisture sa kahoy, maaari itong mag-crack, mag-twist, mag-shrink o mag-bloat, mag-cup, at mag-bow.

Kaya tandaan, ang mga kahoy ay hindi dapat sobrang tuyo at sobrang basa o sobrang tuyo, dapat ay may tamang moisture content.

MATIMCO
Click outside to hide the comparison bar
Compare